Elaine Duran ng TNT na-bully dahil sa pimples

ELAINE DURAN

Pasok na si Elaine Duran sa Top 6 na maglalaban-laban sa grand finals ng Tawag Ng Tanghalan ng Showtime ngayong sa Sabado. Sa presscon ng TNT 12 finalists ay inamin ng dalaga na nakaranas na rin siya ng matinding pambu-bully sa social media dahil sa kanyang itsura.

“Siguro more on sa mukha ko dati kasi talagang severe yung acne ko dati. Tapos siguro yung style ko as a singer, sinasabi nila copycat ako sa ganitong artists.

“Ang ginagawa na lang ng supporters ko lalo na ang family ko, pine-prevent na lang nila ako na magbasa sa social media kasi honestly ako as a person, I’m not very strong enough na mag-handle ng ano…,” ani Elaine.

Ano naman ang nagbago sa buhay niya mula nang sumali sa TNT? “Ang dami na pong nangyari. Dati hindi ka po napapansin pero ngayon napapansin ka na. Marami na rin akong gigs, marami nang kumukuha sa akin. And of course, tumataas din yung rate mo as a performer, yun din naman ang maganda,” kuwento ng contender mula sa Butuan City.

Sakaling siya ang maging grand winner, magbibigay ng donation si Elaine sa simbahan.

“Nu’ng nanalo po kasi ako sa Daily (rounds) at semi-finals, yung nalikom ko po doon, nag-donate rin po ako sa church po namin.”

Read more...