ABS-CBN, Electric Entertainment gagawa ng Hollywood TV series

Christian Kane, Cory Vidanes, Francis dela Torre, Mark Lopez, Dean Devlin, Carlo Katigbak, Steve Lee at Ruel Bayani

PAPASUKIN na rin ng ABS-CBN ang Hollywood production sa pakikipagsanib-puwersa nito sa US film at TV outfit na Electric Entertainment, na pinangungunahan ng Filipino-American producer na si Dean Devlin.

Ang una nilang proyekto ay ang US crime series na Off Tropic na kukunan sa Cebu at eere sa United States via cable company na WGN America. Ito ang unang pagsabak ng ABS-CBN sa Hollywood TV production.

“Ito ay isa sa marami pang strategic partnerships at collaborations kasama ang partners mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo at nasasabik kami ngayon sa pakikipag-partner namin sa Electric Entertainment para mag-line produce ng US series para sa kanila,” sabi ni ABS-CBN head of international production and co-production division Ruel Bayani.

Sa kasalukuyan, may iba’t ibang partnerships nang nabuo ang international co-production division ng ABS-CBN mula sa Southeast Asia, United States at Europe.

“We chose to partner with ABS-CBN because they have been so instrumental in the development of talent here both in front and behind the camera. I think they have the most experience and they have just been amazing partners.
“This is going to change the way people perceive the entertainment business in the Philippines,” sabi ni Devlin.

Isang magandang oportunidad ito para sa mga Pilipinong aktor dahil karamihan sa cast ng US series ay kukunin sa loob ng bansa.

Isang Pinay actress ang gaganap bilang bidang babae sa serye at makakasama niya ang American actor na si Christian Kane, na bumida na rin sa TV series na “Angel,” “Leverage,” “The Librarians” at “Into the West”.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang Electric Entertainment ang lumikha sa sikat na television series na “The Librarians,” na ngayon ay nasa ika-apat nang season nito mula Disyembre 2017, at “Leverage” na umere noong 2008 hanggang 2012.

Ang US TV at film outfit din ang kumpanya sa likod ng thriller films gaya ng “Bad Samaritan,” na napanood sa sinehan noong 2018.

Ang chief executive officer din ng Electric Entertainment na si Dean Devlin ang magsisilbing executive producer, magsusulat ng first two episodes, at magdidirek sa final ng US series.

Ayon pa kay Direk Ruel Bayani ang “Off Tropic” ang kauna-unahang proyekto ni Dean na kanyang ipo-produce sa Pilipinas. Nakilala siya sa buong mundo sa paglikha sa mga
hit movies na  Independence Day,” “Godzilla” at “The Patriot.”

Present sa naganap na contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN chief operating officer for broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN head of international production and co-production division Ruel Bayani, Electric Entertainment chief executive officer Dean Devlin, actor Christian Kane, “Off Tropic” co-executive producer Francis de la Torre, at line producer Steve Lee.

Magsisimula ang shooting para sa nasabing US series sa ilang bahagi ng Cebu ngayong Nobyembre. Abangan ang official announcement kung sino ang maswerteng aktres na napili para sa bonggang project na ito.

Read more...