One stop shop para sa alien permit

UPANG masolusyon ang paglipana ng mga banyagang ilegal na nagtatrabaho sa bansa ,naglunsad ng one stop shop ang Department of Labor and Employment (DOLE)

Layunin ng one-stop shop, na agad na maproseso ang Alien Employment Permit o AEP, na kailangan upang legal na makapagtrabaho sa bansa ang mga POGO workers.

Pabibilisin nila ang pagproseso ng mga papeles sa tulong na rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Professional Regulation Commission (PRC).

Sa talaan ng Bureau of Local Employment, nasa 51,000 na ang na-isyung AEP sa mga POGO worker sa unang semester ng taon.

Tinatayang nasa 8,000 foreign workers pa ang nagtatrabaho sa bansa ng walang permit, base sa isinagawang inspection sa 177 POGO service providers.

Magtatayo rin ng one-stop shop ng DOLE sa mga lugar na mataas ang bilang ng nagpaprehistro ng AEP, tulad ng Cagayan Region, CALABARZON, Central Visayas at Davao Region.

Kasama rin sa plano ang paggawa ng online system upang mas madaling mabusisi ang mga AEP application.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...