DOH kinumpirmang diphtheria ang ikinamatay ng grade schooler sa Maynila

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na diphtheria ang ikinamatay ng isang mag-aaral sa elementary sa Maynila.

Idinagdag ng DOH na namatay sa diphtheria ang 10-anyos na grade 4 sa Jacinto Zamora Elementary School, Pandacan, Maynila noong Biyernes, Setyembre 20.

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ang resulta ng ginawang pagsusuri at kinumpirmang ito’y kaso nga ng diphtheria.

“Lumabas na ‘yung test sa RITM this morning and ‘yung patient natin sa Manila was confirmed to be [affected by] diphtheria,” sabi ni Domigo

Read more...