Vina nagsusumbong kapag may pasaway na katrabaho


HOW does a seasoned actress like Vina Morales deal with co-actors na pasaway?

“Ako I started early. Nine years old ako noon. Ako ‘yung pinapakisamahan, tinuturuan. Siguro this time I’d understand kung meron silang pagkukulang kasi dumadating talaga sa stage na ganoon, eh.

“Hindi mo alam kung ano ang nasa isip nila pagdating sa work, sa pagiging professional, kung may problema sila sa buhay, kung makakayanan ba nila ang mga intriga and all. Dumadating sa ‘yo so hindi mo masyadong naiintindihan ang pinagdadaanan niya,” say ni Vina sa presscon ng latest series niya sa ABS-CBN na Sandugo.

“But I always make sure naman lalo na kapag naging kaibigan ko ang mga kaeksena ko, I always tell them na i-appreciate all the blessings lalo na ‘yung mga projects na ibinibigay sa kanila, na aralin ang mga eksena.

Dapat bago dumating sa location, dapat alam mo na ang dapat gawin ng character mo even the lines.

“Pag ganyan na medyo may problema na ako ay isinusumbong ko na sa production para at least sila na ang magsabi mismo kung ano ‘yung hindi ako komportable. I tell them,” dagdag niya.

Read more...