MICRO starlets of pinetree proportion Ken Chan and Rita Daniela sort of confirmed that Alex Gonzaga gave them cold shoulder nang magkita sila sa airport lounge sa Davao.
Iyon ang lumalabas sa kanilang interview. Matagal na palang nangyari iyon at now lang lumabas kung kailan mayroon silang bagong teleseryeng ipalalabas. With their interview, hinataw sila ng batikos.
“Ang totoo di kilala ni Alex ang dalawa at ano yan promo para pag usapan silang dalawa na may ipalalabas na teleserye?”
“Baka akala ni Alex maid niya ung dalawa, ganun talaga mga amo pag mainit ulo, iniisnab mga maid.”
“Famous lang si Alex kaya ginagawan ng issue. Minsan kasi pa iba-iba mood ng tao. Saka siguro kung ang daming tao nakikita at pumapansin sa ‘yo ‘di maiwasan na malito ka kung sino ang una mong bibigyan ng attention.
“Baka nagkataon na si Alex medyo nagmamadali kaya kunting ngiti lang, malayo sa expectation ng taong humanga sa kanya kaya na-hurt sila ng kunti. Pero tao lang ‘yan, jusko, ang liit na bagay akala mo naman kung pagkaguluhan. Ano na kasalanan ng tao?”
“Ginagamit lang ang issue para mapasikat ‘yang jologs na Kapuso loveteam na ‘yan. Alam naman natin na sikat na sikat si Ate Alex.”
“Ang dami dami palang tao at pagod ka na tapos may lalapit pa sayo na mga THE WHO para makipag picture sayo sympre kung ako din yun meju off ang mood mo. Ano ba dapat bisi bisihan at bigyan pa ng aboloy ang dalawa? My Gosh! Buti nga nakita nila sa personal si Alex G!”