VICE unti-unting nang gumagaling ang lalamunan, pero tumataba dahil sa paggamit ng STEROIDS
HALOS araw-araw nag-i-steroids si Vice Ganda, at ang epekto nito sa kanya ay ang pagtaba. Kailangan niyang gumamit ng steroids dahil sa tumubong polyps sa kanyang lalamunan.
Kailangan magpagaling muna siya nang bonggang-bongga bago siya bumalik sa todo-todo na namang pagtatrabaho, lalo na sa noontime show ng ABS-CBN na Showtime, sa katunayan miss na miss na raw niya ito.
“Lumiit na yung mga polyps, pero nandoon pa rin. Kailangan na maayos iyon through steroids and total voice rest. Nakita naman nila na okay na, so kapag okay na ang lahat, pwede na akong bumalik anytime.
Excited na rin ako eh,” kuwento ni Vice sa interview ng ABS-CBN. Sey ni Vice nagsimulang sumakit ang lalamunan niya sa rehearsal pa lang na concert niyang “I-Vice Ganda Mo Ako” sa Araneta Coliseum, “After ng concert, lalong lumala kasi na-stress.
Sabi ng doctor, misuse and abuse of voice raw. Yung upper part ng vocal cords ko, hindi na nasasara kaya malayang nakakalabas ang air. Kaya kapag dire-diretso ang salita ko, nakakahingal.
So, tuloy pa rin, steroids. Kaya nga nakakataba kasi araw-araw akong nagsi-steroids.” Ang sabi ng kanyang doktor, kapag hindi nakuha sa gamutan ang throat infection niya ay kailangan na siyang operahan.
Yung steroids daw ang dudurog sa mga polyps. Pahayag ng komedyante, “Yung iba raw kasi lalo na yung mga singer, parang okay lang magkaron ngpolyps kasi nagkakaroon ng ibang tunog yung boses nila, nagkakaroon ng roughness.
Pero ‘di raw safe yun. At kapag pinapakinggan ko, hindi na pleasant tunog ng voice ko, kailangan ko na sumigaw, tapos parang garalgal. Bago ka matawa sa punchline, ma-annoy ka muna sa tunog. Kailangan ko i-cure na.”
(Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.