Jake, Kylie magpapakasal na pagkatapos ng Los Bastardos?

KYLIE VERSOZA AT JAKE CUENCA

Hindi lang sina Jake Cuenca at Kylie Versoza ang naging maganda ang relasyon sa dalawang taon na pagsasama nila sa Kapamilya teleseryeng Los Bastardos. Pati pala sina Joseph Marco at Ritz Azul ay balitang “playing beautiful music together” sa set ng Kapamilya series.

But unlike Jake and Kylie na mukhang seryosohan na sa relasyon nila, sina Joseph at Ritz naman ay ini-establish pa ang samahan.

And speaking of Kylie, friends na raw sila ngayon ng co-star din niya sa Los Bastardos at kapwa beauty queen na si Maxine Medina. Naging malaking isyu kasi ang balitang dinuraan ni Kylie si Maxine sa isang eksena nila sa serye.

Ilang beses na raw nag-sorry si Kylie kay Maxine at maayos na uli ang kanilang samahan. Aminado silang medyo naapektuhan sila ng kontrobersya dahil lumaki nga ito nang lumaki dahil na rin sa social media.

Nagbigay naman ng warning si Maxine sa mga susunod na projects na makakaeksena niya, “Siguro kasi, lesson na rin ito na before gawin ‘yung eksena, let’s talk about it. Pero kung may mangyaring ‘di kanais-nais, e, kaya nating mag-sorry.”

Sa kabila ng pagbibigay-linaw ng dalawang beauty queens, tila may nagdududa pa rin sa pagbabati lalo pa’t iilang araw na lang silang magkakasama sa taping ng Los Bastardos.

This week ay matatapos na ang serye na napapanood tuwing hapon pagkatapos ng Kadenang Ginto sa ABS-CBN. Bida rin dito sina Marco Gumabao, Albie Casiño at Ronaldo Valdez with Mary Joy Apostol, Gloria Diaz, Mica Javier at Jeffrey Santos.

Samantala, ‘di maiiwasan na ipagtanggol ni Jake Cuenca, na isa sa limang bidang lalaki ng Los Bastardos, ang kanyang girlfriend na si Kylie when asked about his side sa isyu nila ni Maxine.

Esplika ni Jake, dapat daw talaga pinag-uusapan muna ng mga artistang magkaeksena ang mga gagawin nila bago ang actual take. Kaya lang may mga pagkakataon na may mga aksidente o insidenteng nangyayari na wala sa usapan dahil dalang-dala sa mga eksena.

Mukhang after ng Los Bastardos ay mauuwi na sa kasalan ang relasyon nina Jake at Kylie. Seryosohan na kasi ang datingan ni Jake ngayon pagdating sa pakikipagrelasyon. After all, he’s not getting any younger.

At saka bagay talaga sila, e. They look good together at parehong sexy. Kaya nga binansagan sila as the sexiest couple sa social media based on the photos na ipino-post nila sa kanilang Instagram accounts.

Read more...