Karla pinamanahan ng house & lot sa US ng Amerikanong ama

KARLA ESTRADA AT PEPE HERRERA

SOBRANG payat ng mukha sa TV screen ng dating “sidekick” ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Pepe Herrera sa guesting niya sa Magandang Buhay kamakalawa.

Humpak na humpak ang kanyang pisngi at halos lumuwa na sa laki ang kanyang mata. Ewan kung dahil overwork siya sa rami ng proyekto niya at pati pagkain ay halos ‘di na niya magawa.

Para tuloy siyang maysakit sa kanyang hitsura sa TV. Hindi kaya may sakit si Pepe? Worst ay ‘yung mapagdudahan pa siya na may bisyong ‘di kanais-nais.

Isa sa guests si Pepe sa morning show nina Jolina Magdnagal, Karla Estrada at Melai Cantiveros dahil ang topic ay tungkol sa pagiging anak na lumaking walang tatay. Bastardo, ika nga.

Bukod kay Pepe, guest din sa Magandang Buhay si Maja Salvador na aware naman ang marami kung ano ang kwento ng kanyang buhay at ng yumao niyang amang si Ross Salvador.

Habang naka-relate rin ang isa sa hosts ng Magandang Buhay na si Karla tungkol sa topic sa episode last Monday.

Matanda na rin pala si Karla nu’ng nakilala niya ang kanyang amang Amerikano, na ngayon ay pinamanahan pa si Karla ng bahay at lupa sa US, huh!

Kapag wala pala si Karla sa Magandang Buhay ay nasa Amerika siya. May inaayos siyang properties sa US and at the same time, nakikipag-bond na rin sa mga anak ng tatay niyang Amerikano.

 

Read more...