Kilalang pamilya sa C. Luzon, mangolekta ng SUV ang bisyo

KAKAIBA ang hilig ngayon ng isang kilalang political clan sa Central Luzon.

Bagaman maituturing na mga bagito pa lamang sila sa pulitika ay gumawa na sila ng marka dahil sa matataas na pwesto nila sa pamahalaan.

Ang ilan sa kanila ay mambabatas at ang isang miyembro naman ng pamilya ang kasalukuyang mayor sa isang kilalang bayan sa Central Luzon.

Ang kanilang bagong pinagkakaabalahan ay ang mangolekta ng mga sports utility vehicles (SUV).

Hindi ito ‘yung mga entry level na modelo kundi pawang mga top of the line ang kanilang koleksyon.

Halos hindi na magkasya sa loob ng kanilang maluwag na garahe ang mga mamahalin at malalaki nilang SUV.

Mula sa simpleng pamilya ng mga relihiyoso ngayon ay kilala na sila bilang isang mayamang angkan sa kanilang bayan.

Bukod sa mga sasakyan ay namimili na rin ng mga lupain ang nasabing political family bukod pa rito ang bagong gusali na naitayo sa pinatatakbo nilang paaralan.

Malayong-malayo ito sa kanilang dating simpleng pamumuhay.

Marami na rin ang nagtataka sa kanilang kasamahan sa relihiyon sa kung ang nasabi kayang mga ari-arian ay biyaya talaga ni Lord o galing sa mga “mahiwaga” nilang gawain.

Di na kailangan ng mabigat na clue dahil talagang super victorious ang pamilyang ito.

Read more...