SALAMAT sa Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA), patuloy na nagkakaroon ng oportunidad ang mga babaeng atleta na ipakita ang kanilang husay sa larangan ng isports.
Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng mga kababaihan ng pantay na karapatan na nagbibigay sa kanila ng lakas upang ipakita sa mundo na kaya nilang magbigay ng karangalan hindi lamang para kani-kanilang paaralan kundi para na rin sa bansa.
Ganito ang WNCAA@50 na makulay na umarangkada noong Setyembre 21 sa Mall of Asia Arena. Sa kanilang ika-50 season ay sakto ang temang ‘‘Destined for Greatness.’’
Bakit nga naman hindi?
Hindi na mabilang ang mga atletang galing sa WNCAA na sumikat hindi lang sa isports kundi sa negosyo, edukasyon at iba’t iba pang mga gawain.
Kahit na isang sports league kasi ang WNCAA ay priority pa rin liga ang mabigyan ng tamang karunungan at pag-aaral ang mga atleta nito.
May midgets, juniors at seniors division ang WNCAA na kinabibilangan ng Assumption Antipolo, Assumption College San Lorenzo, Centro Escolar University, Chiang Kai Shek College De La Salle Zobel, La Salle College Antipolo, Miriam College, Philippine Women’s University, St. Jude Catholic School, San Beda College Alabang, St. Paul College-Pasig, St. Scholastica’s College, St. Stephen’s High School, University of Asia & The Pacific, at University of Makati.
On leave ang UST-Angelicum College.
Binigyang parangal ng kasalukuyang pamunuan ng WNCAA ang ilang mga pioneer ng liga at kinilala ang mga nagawa ng mga naunang Board of Directors na sina Josefina Espino, Jose Chua, Lim Eng Beng at Claro Pinga.
Sa opening ceremony ay ibinigay din ang mga tropeo sa mga champion ng midget (St. Paul College-Pasig); juniors ( De La Salle-Zobel); at seniors (Centro Escolar University). Ang dating manlalaro ng St. Scholastica’s College na si Justine Ferrer ang panauhing tagapagsalita. Matagumpay ang karera ni Ferrer sa banking industry.
Binabati ko ang mga namumuno ng WNCAA at nawa’y ipagpatuloy nila ang kanilang adhikain.
Ang kasalukuyang executive council ay pinamumunuan ni Yolanda Co ng Chiang Kai Shek College. Kasama niya sina Dolores Fernandez, Ma. Angelica Dela Cruz Ellen Carbon, Jemima Fajardo, Arvin Flores at executive director Vivian Manila.
PTT at Wish 107.5 Bus
Hindi lang kilala ang PTT Philippines sa mahusay na pagnenegosyo, kundi sa pagkakaroon nito ng corporate social responsibility.
Pasok na rin sa isports ang pinakamalaking kompanya ng langis mula sa kaharian ng Thailand dito sa Pilipinas ngunit kamakailan ay musika naman ang pinasok ng kompanya na siguradong patok sa atin mga peeps.
Opisyal na ‘’fuel partner’’ ang PTT ng sikat na Wish 107.5 Bus na kilala sa pagbibigay ng musika sa daan. Selyado ang kasunduan sa pagitan ng PTT at Wish 107.5 Bus kamakailan. Dumating sa okasyon na tinampukan ni DJ Alice sina PTT Philippines President & Chief Executive Officer Thitiroj Rergsumran at Jay Eusebio, Vice President for Marketing of Breakthrough and Milestones Productions International (BMPI), Inc.
May 155 gas stations ang PTT Oil and Retail Business sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, Cebu at Visayas.
“Our partnership with Wish 107.5 was brought not just by the popularity of the station, and the recorded performances on the bus that were uploaded on YouTube, but also because of our advocacies to reach out to people especially to the less-fortunate ones,” sabi ni Rergsumran sa “PTT Meets the Press” sa Cafe Amazon sa PTT Munoz, Edsa.
Diniin ni PTT Philippines Foundation President Paul Senador na malaking suporta sa Original Pilipino Music (OPM) ang partership.
“Wish 107.5 is a global phenomenon in terms of the number of reach that its YouTube channel has attained. The number of subscribers and views tell it all. And you cannot go wrong partnering with them as its official fuel partner,” ani Senador.
Pinuri ni Eusebio ang tambalang PTT at Wish 107.5. Sinabi ni Eusebio na hindi na bago ang tambalan sapagkat kasama na ng Wish ang PTT sa maraming pagkakataon.
“There is a synergy here. We have a lot of things in common especially the way we reach out to people. We really hope that this partnership will last for so many years,” ani Eusebio.
Gagamitin ng Wish Bus at iba pang mga sasakyan ang PTT fuel tulad ng Blue Innovation fuel brand na kinabibilangan ng Blue Gasoline 97+, Blue Gasoline 95+, Blue Gasoline 93+, at Blue Diesel.
Sa kasalukuyan ay may tatlong Wish 107.5 buses na nasa Maynila, probinsiya at Hollywood.