IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang imbestigasyon sa pagguho ng Sogo Hotel sa Malate, Maynila kung saan dalawa ang nasawi.
“We are shocked and saddened by the collapse of a portion of Sogo Hotel in Malate, Manila which left two workers dead,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Ito’y matapos namang gumuho ang Sogo Hotel noong Lunes ng umaga habang ginigiba ito na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang manggagawa matapos matabunan ng mga debris.
“President Rodrigo Roa Duterte has already ordered a thorough investigation and we ask concerned authorities to coordinate with the City Government of Manila, particularly the Manila City Engineering Office, for the conduct of the probe,” ayon pa kay Panelo.
Kasabay nito, pinuri ng Palasyo si Manila Mayor Isko Moreno sa mabilis na pagresponde.
“We commend Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso who was among the first to rush and inspect the crash site,” dagdag ni Panelo.
Nauna nang sinabi ni Moreno na prayoridad nila ang pagtulong sa mga biktima ng pagguho at isusunod ang imbestigasyon kaugnay ng posibleng pananagutan ng pamunuan ng Sogo Hotel, ang nagsasagawa ng demolisyon at maging ng mga opisyal na nagbigay ng permit sa gusali.