Coco sa pag-apir ni Mayor Isko sa Ang Probinsyano: Surprise! | Bandera

Coco sa pag-apir ni Mayor Isko sa Ang Probinsyano: Surprise!

Reggee Bonoan |September 24,2019
facebook
share this

Coco sa pag-apir ni Mayor Isko sa Ang Probinsyano: Surprise!

Reggee Bonoan - September 24, 2019 - 12:55 AM

ISKO MORENO

“SURPRISE!” Yan ang sagot ni Coco Martin sa balitang magkakaroon ng special participation si Manila Mayor Isko Moreno sa seryeng Ang Probinsyano.
Matapos kumalat ang balitang may tatlong Hollywood Stars na magge-guest sa Probinsyano, si Mayor Isko naman ang inaasahang mapapanood very soon sa serye ng ABS-CBN dahil sa pagkikita ng alkalde at ng Teleserye King.
Ngayon pa lang at excited na ang publiko na mapanood ang alkalde ng Maynila sa Probinsyano pero hanggang ngayon ay wala pang detalye tungkol dito.
Pero sabi nga ni Coco sa isang panayam, “Ay! Idolo ko ‘yun e’ surprise! Kung bakit kami nagkita. Pero ako talaga ang sumadya sa kanya and humingi ako ng appointment, kasi matagal ko na siya nakasama sa isang teleserye and nakipag appointment ako sa kanya and may pinag-usapan kami.”
Nilinaw din ng aktor na walang kinalaman ang meeting nila ni Mayor Isko sa napabalitang remake ng isa pang FPJ classic movie na “Batang Quiapo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending