Totoo ba, naging magdyowa noon sina Ariella at Willie?

WILLIE REVILLAME

NAGKAROON nga ba ng relasyon noon ang beauty queen turned actress na si Ariella Arida at ang TV host-comedian na si Willie Revillame?

Ito ang isa sa mga tanong na diretsong sinagot ni Ariella sa guesting niya sa Tonight with Boy Abunda. Isa ang dalaga sa mga naging co-host ni Willie sa daily game show nitong Wowowin.

Una munang nag-react si Ariella sa kontrobersyal na pagdura ni Kylie Verzosa sa kaibigan niyang si Maxine Medina sa taping ng Los Bastardos kahit wala naman ito sa script.

“Siguro mga ganitong bagay, may mga bagay talagang hindi mo maiiwasan at mabibigla ka na lang siguro sa mga eksena,” sagot ni Ariella.

Dugtong niya, “On my part co-actors naman kayo, it’s better siguro na mag-usap kayo before and after you do the scene. Parang ganu’n.”

Sunod na tanong nga sa kanya ay ang tungkol sa kanila ni Willie Revillame. Matagal din silang nagkasama sa Wowowin pero aniya, hindi naging sila at never din siyang niligawan ng komedyante.

“Wala po. Kaya I’m super, ang taas nung respeto ko kasi kung ako may ma-feel ako na something na parang against my paniniwala sa buhay. Hindi ako magtatagal ng ganu’n (sa Wowowin). We’re still in good connection, good friends,” pahayag ng beauty queen-actress.

Ngayong pareho na silang single ni Willie dahil nga last year pa siya walang boyfriend, posible kayang maging sila ng TV host? “Alam naman ni Kuya Will, in fairness, mataas yung respeto ko kay Kuya Will.

“Ang tagal ko ring nag-work with him and I can attest na never ko naman na feel na… alam mo ‘yun,” sabi ni Ariella. Hirit pa niya, palagi raw sinasabi noon ni Will kapag tinutukso sila na, “Hindi ako type niyan.”

Read more...