Tambalang Alden-Thia tanggap ng fans: Parang Richard & Lucy!


Hindi lang si Alden Richards bilang si Sep sa The Gift ang na-love at first sight sa kanyang leading lady na si Thia Thomalla kundi pati na rin ang Kapuso viewers.

Inabangan talaga ng manonood ang paglabas ng ng beauty queen sa nakaraang episode ng The Gift kaya naman trending ang pangalan ni Miss Eco International 2017 na gumaganap bilang si Faith sa serye.
Comment ng netizens at fans ni Alden ibang level daw ang ganda at sex appeal ni Thia para sa Divisoria at tulad daw ni Sep siguradong mai-in love rin sila kung makita ang aktres up close and personal.

Si Thia ang itinuturing na Prinsesa ng Divisoria sa kuwento ng The Gift dahil sa kanyang kagandahan at kaseksihan, anak siya ng isang mayamang fabric store owner sa Divi. Narito ang ilang komento ng fans nina Alden at Thia.

“Hala si Amor hulog na hulog kahit may pagka-bully si Sep sa kanya. Amoy daw kasi. Ang kulet nitong si Sep & Bistek!”

“Namesmerized lang Direk! So pretty and social for Divisoria. Pang Greenbelt ang beauty niya.”

“Huy! Na-love-at-first sight naman itong si Sep kay Faith. Pumupuso ang mga mata e. Ang ganda naman kasi.

“We really need a gif of this lookaway of @thia_thomalla and that look on Sep’s face. Very Lux commercial ni Lucy Torres and Richard Gomez. Love love.”

Siguradong marami pang pakilig at exciting na eksena ang mapapanood sa The Gift, mula Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

Abangan din ang eksena kung paanong mabubulag si Sep na siyang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay at ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Read more...