Alex, Toni tinawag na ‘malnourish’: Kumakain pa ba kayo?

 

NIRESBAKAN ng mag-sisteraka na sina Toni at Alex Gonzaga ang isang basher na tumawag sa kanila ng “malnourished”.
Nag-post kasi si Alex sa kanyang Instagram page ng litrato nila ni Toni na kuha sa opening ng bagong branch ng kanilang milk tea business. Maraming nagkomento ng positibo sa kanilang litrato pero may ilan ding nambasag sa kanila.
Comment ng isang netizen, “Grabe sobrang payat mo! Para kang malnourish….. u need to eat more! Health before wealth.”
Unang sumagot si Toni na nagsabing, “Payat talaga genes namin. Di kami tabain.” Hirit naman ng netizen, “Di naman payat mga parents niyo. Just gonna have to eat a hell a lot more.”
Dito na sumagot si Alex at nagsabing, “Huy syempre matanda na sila ‘pag nakita mo ang daddy nung kabataan niya ganyan din.”
Ilang fans and followers naman ng magkapatid ang nagtanggol sa kanila at kinuyog ang body shamer. Sabi nila, hindi porke sobrang payat ng isang tao ibig sabihin ay hindi na siya healthy.

 

Read more...