Ethel Booba may reklamo sa 2 TV show

ETHEL BOOBA

IDINAAN ni Ethel Booba sa Twitter ang kanyang hinaing tungkol sa dalawang TV shows na hindi pa umano nagbabayad sa kanya.

“Nakakatamad na mag guest sa TV show kasi merong iba dyan mag almost 1 year na di pa ma-claim ang TF sunod meron ding more than 5 months na ata,” ang tweet ng komedyana.

“Sa skype na lang talaga ako magshow C2C. Astig sa astig lang. Charot!” dagdag pa niya.

Ilang netizens naman ang nagsabi kat Ethel na pangalanan ang shows na tinutukoy niya. Sagot ng comedienne,

“Minute To Win It. Ilang minutes ako nag-antay sa bangko wala pa din pala eh mag 1 year na. Charot!”

Nang mabasa ng host ng show na si Luis Manzano ang tweet ni Ethel agad itong sumagot ng, “Pa check ko Ethel! (two thumbs up emojis).” Na sinagot naman ni Ethel ng, “Thank you Luis sa help. Charot!”

Hirit pa niya, “Actually may guesting pa ako sa GGV na di pa din nabibigay ang TF until now. Charot!”

Read more...