Bro. Jun sa LGBTQ CR: Kahit nakadamit-babae ang lalaki, may lawit pa rin yan
MAGANDA ang paliwanag ni Bro. Jun Banaag, O.P. sa “Dr. Love Radio Show” na isa sa mga natatanging counseling programs sa radio, when he was asked about the SOGIE Bill.
“Personal ito, ha. Walang kinalaman ang management,” pauna niyang salita.
“May mga punto sa SOGIE Bill na sa tingin ko ay mahihirapang ipasa dahil maraming tao ang maaapektuhan. May mga punto rin na makakatulong sa LGBT. Pero kung ako ang tatanungin ninyo, hindi na kailangan kasi po ‘yung mga LGBT mga tao rin iyan na katulad natin.
“Meron tayong human rights, constitutional rights that protect us. It’s just that I cannot comprehend why a man who thinks he is a woman would use the comfort room oif a woman. Sa isang taong katulad ko, kung ang asawa ko ay nakabuyangyang ang kanyang ari doon sa comfort room ng babae, it is because kanilang lugar iyon.
“Pero kapag pinasok ng lalaki ‘yan, kahit nakadamit-babae ‘yan, lalaki ‘yang tinamaan ng kulob na ‘yan, may mga lawit ‘yan, mao-offend ang wife ko. And she being my wife, mao-offend din ako,” he added.
Sang-ayon siya sa recent statement ng make-up artist na si Ricky Reyes.
“I agree with Ricky Reyes. I don’t know him personally. Lumagay tayo sa dapat nating kalagyan. Kung suot mo ay damit-babae, hitsurang babae, karapatan mo ‘yan. Pero matutunan mong harapin ang consequence.
Dito sa Pilipinas hindi pa tayo masyadong exposed sa ganito.
“Tama si Ricky Reyes. Tama ang sabi niya. Nakadamit-babae ka, gusto mong gumamit ng restroom ng babe dahil feeling mo babae ka, ‘pag nakalusot, fine. Kapag hinarang ka, lumabas ka na. Unless meron kang gusting i-push na agenda para lumaki ng issue.”
Ayon kay Bro. Jun, he respects gays at marami siyang kaibigan who belong to that sector.
“My personal view is this. I respect them. Ang dami kong kaibigan na gays. Jobert Sucaldito is one and he admits he’s gay. Sabi ko nga sa kanya, rerespetuhin kita basta ‘wag mo lang akong hihipuan sa publiko, mag-aaway tayo.
“They are human beings but tayong mga tao, anuman ang position natin sa buhay ay kailangang harapin natin ang consequence. Respetuhin natin sila, gusto nilang magdamit-babae, that’s all right,” paliwanag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.