Angel ikinumpara kay Jackie Chan: sumabit sa truck


PURING-PURI si Angel Locsin ng netizens dahil nakitang wala itong double sa isang action scene for The General’s Daughter.

Sa isang short video clip na kumalat at naging viral sa social media, ipinakitang nakasabit sa likod ng isang truck si Angel habang nakikipagbarilan.

Isa ito sa mga eksenang aabangan sa nalalapit na pagtatapos ng The General’s Daughter.

Ang daming humanga sa action scene na iyon ni Angel. Puring-puri nila ang dalaga and they articulated it in the comment section ng isang website.

“Grabe si idol Angel hindi uso ang ka-double! Iba ka sobrang professional talaga.”

“Angel Locsin, The Ultimate Versatile Superstar/The Action Drama Queen.”

“Super duper galing talaga idol Angel. More teleseryes to come please.”
“Parang sya si Jackie Chan hindi talaga gumagamit ng stunt man pag ganyang action.”

“I love you idol. Super galing mo talaga sa action, drama kahit san ka ilagay the best ka! Nalulungkot ako matatapos na ang TGD.”

“Simula pa noon, since Asian Treasures, to Darna, until now, at marami pang ibang actions na teleserye, idol na talaga kita.”

Read more...