Mariko umatras sa TNT finals: Grabe na yung batikos

INATAKE ng matinding depresyon at takot ang Tawag Ng Tanghalan grand finalist na si Mariko Ledesma dahil sa pamba-bash sa kanya ng mga netizens.

Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon na siyang mag-backout sa TNT grand finals. Inanunsyo ito nitong nakaraang Sabado sa Showtime.

Si Mariko ang pinili ng mga hurado nang makalaban niya ang “resbaker” na si Mariane Osabel. Ayon sa mga supporters ni Mariane, nilaglag daw talaga siya ng mga hurado dahil mas pinaboran si Mariko.

Narito ang official statement ni Mariko na ipinost niya sa Facebook: “Hindi madali sa akin ang pag quit ko sa TNT pero mas mahihirapan po ako kung ipagpapatuloy ko pa ang laban kung ako ay nag sa-suffer sa depression.”

“After po ng laban ko kay Mariane ay samu’t saring pangbabatikos po ang inabot ko at masyadong personal po ang pangba-bash na inabot ko.

“Mula pm, DM at dumating pa sa point na may text pa. Sana po ay itigil ninyo na po ang pangba-bash kasi tao po kami, nasasaktan at hindi ninyo po alam kung anong epekto nito sa taong bina-bash ninyo.

“Nawa’y maging malawak po sana ang isip nating lahat na sa isang kompetisyon may mananalo at may matatalo.

“Sana patuloy ninyo pa rin suportahan ang mga grand finalists ng ‘TNT’ dahil po sila ay deserve sa kinalalagyan nila.”

Read more...