Ayaw talagang tantanan ng mga laitera sa social media si KC Concepcion. Siya ang paboritong okrayin ngayon ng mga bashers.
Kamakailan, ilang netizens ang nag-comment sa Instagram photo niya ng “mukhang clown”, “mukhang bakla” at “halatang nagpa-plastic surgery.”
Hindi ito pinalampas ni KC at talagang niresbakan niya ang mga body shamer. Pero siyempre, sosyal at class pa rin ang pagsagot sa kanila ng TV host-actress.
Nitong nakaraang araw, muling nag-post si KC sa IG ng tungkol sa “mahabang pasensiya.” Aniya, “Yung pag gising ko akala ko Friday na. Lord, pahingi kami ng pasensya, inspiration and lakas kasi ang haba ng week na to eh! Haha.”
Isang follower ng dalaga (@greatpretender2019) ang nagkomento ng, “Kala ko si MADAM AURING Sa dami ng dagdag-bawas mo sa mukha, dami mo ng kamukha ‘Michael Jacson, Arci Munoz, ang lips hanggang tenga na, sige banat at hila pa hanggang umabot ang cheekbones mo sa noo.”
Gustong palabasin ng nanglait kay KC nagparetoke siya ng mukha. But as usual hindi naman siya tinalakan ni KC na very cool siyang sinagot ng, “@greatpretender2019 Nakaka proud ka te effort talaga sa pag enumerate (heart emoji).”
Natameme na ang netizen dahil hindi na niya sinagot ang reply ni KC.