Alden, Direk LA nais buhayin ang ‘bayanihan’ ng mga Pinoy sa The Gift

LA MADRIDEJOS AT ALDEN RICHARDS

LUMIKHA agad ng ingay ang bagong primetime teleserye ni Alden Richards sa GMA, ang The Gift. Pilot week pa lang ay talagang pinag-usapan na ito ng mga manonood at mga netizens.

Opening pa lang ng The Gift ay madrama at maaksiyong eksena na ang napanood ng mga Kapuso viewers kung saan ipinakita ang pagkabata ni Sep (Alden) at kung paano siya napunta sa pangangalaga ng kanyang nanay-nanayan na si Berry na ginagampanan ni Jo Berry.

Nakilala rin ng manonood ang mga magulang ni Sep na sina Nadia (Jean Garcia) at Gener (TJ Trinidad) na talagang nagsakripisyo nang bonggang-bongga para sa kanilang anak. Namatay agad ang tatay ni Sep matapos barilin ng mga pulis nang mangholdap siya ng bangko para makakuha ng pera para maipagamot si Sep.

Hanggang sa dumating ang araw na napabayaan si Sep at naligaw sa Maynila na nakuha nga ng pamilya ni Berry. Fast forward: sama-samang naghahanap-buhay ang pamilya ni Sep sa palengke ng Divisoria kung saan naging highlight nga ang pagsali ng binata sa Mr. Divisoria.

Pero isa sa mga nakaagaw ng pansin ng viewers ng The Gift ay ang kakaibang design ng kariton ni Berry.

Comment ng isang netizen, “Pero eto walang biro ah, gustong gusto ko yung kariton ni Strawberry, haha may upuan na, may instant stairs pa. WOOH LOVE IT !!! Ang galing ng set designer, props, set director ninyo director.”

Nang mabasa ito ng direktor ng serye na si LA Madridejos, ipinaliwanag niya kung ano ang significance ng kariton sa buhay nina Sep.

“Yey may nakapansin ng Kariton. Yung kariton symbolizes yung love ni Sep kay Straw. habang tumatagal, binubuo ni sep yung kariton based sa pangangailangan at kakayahan ni Straw. Kaya ganun nalang proteksyonan ni Straw yung kariton sa opening,” paliwanag ni Direk LA.

Samantala, umaasa rin si Direk LA na maghahatid ng magandang aral at inspiring message ang The Gift sa lahat ng Pinoy.

Sa pilot week ng serye, nakita ang iba’t ibang challenges na pinagdaanan ng mga pangunahing karakter, kaya naman kahit si Sep na ginagampanan nga ng Asia’s Multimedia Star, sinasalamin pa rin dito ang pagiging matapang at madasalin ng mga Filipino.

Sey pa ng direktor, isa pa sa mga mensaheng gustong iparating ng The Gift ay ang bayanihan ng mga Pinoy.

Una itong ipinakita sa eksena kung saan nagtulung-tulong ang mga tao para kay Sep.

Patuloy na tutukan ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Read more...