Regine may naisip na paraan para sa malalang trapik

Seemingly exasperated over the traffic problem, may suggestion si Regine Velasquez para maibsan ang problema sa trapik.

“My suggestion, bakit kaya hindi I try ng mga kumpanya na iba ibang oras ang labas ng mga tao. Para sa ganon medyo gumaan ang traffic. Kaya lang ang dami nila ano yun pag uusapan ba nila? o bawat lugar ba? Ay ewan #lalang,” tweet ni Regine.

May mga nag-suggest pa ng ibang paraan para maibsan ang traffic problem.

“Good idea, ilagay ang mga manager at mga matataas na puesto sa night shift, puro de kotse lahat iyan. Malaking kabawasan sa traffic sa EDSA!! Hehehe.”

“Kung ginawa lang po cguro na same ang sahod or rate ng manila at province baka sakaling mabawasan ang tao sa Manila bawas traffic din.”

“Home based na lang sana sa mga bpo/call centers, etc. Supporting depts with clerical works like bookkeeping, accounting, leasing, engg, etc pwede naman hindi everyday nasa office. Manufacturing lang naman talaga ang kelangan nasa planta tsaka nurse at security.”

Read more...