Sanya Lopez sasabuyan ni Nar Cabico ng asido sa ‘MPK’

Magpapatalbugan si Sanya Lopez at ang singer-comedian na si Nar Cabico sa pag-arte ngayong gabi sa isa na namang kontrobersiyal na episode ng Magpakailanman na may ti-tulong “Ang Babaeng Binulag ng Pag-ibig.”

Mag-aagawan ang dalawa para sa pag-ibig ni Carl na gagampanan naman ni John Lucas.

‘Yun nga lang mas obsessed ang character ni Nar kay John kaya sa galit kay Sanya bilang si Leni ay sinabuyan niya ito ng asido sa mukha na naging sanhi ng kanyang pagkabulag.

Ay, feeling ko parang true to life ang istorya ng MPK episode tonight, huh!

 

 

Read more...