Matapos maospital, balik-trabaho na uli si Aiko Melendez. Nag-taping na uli siya bilang Kendra Fajardo sa afternoon series na Prima Donnas ng GMA.
Isinugod ng aktres ang sarili sa ospital nitong weekend matapos makaramdam ng sobrang pamamanhid sa katawan.
At dahil dito, hindi na siya nakapunta sa Miss World Philippines 2019 pageant night kung saan isa siya dapat sa mga judge.
Nag-post si Aiko sa Instagram na handa na uli siyang mag-work, “Im Back!!! Back at Work! Thank you Lord that Today i was given the Fit to work signal from Centuria Medical Center. So now back taping for #primadonnas.
“Thank you for all your get well soon messages, for all your concern. I am so touched! And to all my friends, supporters, people who prayed for me pls know, that i appreciate it so much Love you all,” mensahe pa ni Aiko.