Ex-solon kabado sa Senate hearing tungkol sa GCTA

TODO-bantay ang isang mambabatas sa mga pagdinig ng Senado at Kamara kaugnay sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Bukod kasi sa mga dati niyang kasamahan sa pulitika ang tatamaan ng mga rebelasyon ng ilang resource person ay nauwi na sa bentahan ng ilegal na droga ang usapin sa isyu.

Kilala ang mambabatas na ito sa pag-kwestyon sa war on drugs ng pamahalaan.

Pero sinabi ng ilan sa ating mga cricket na binabantayan rin ng mambabatas ang war on drugs ng pamahalaan dahil posibleng malagay sa alanganing sitwasyon ang kanyang kaanak na sabit sa illegal drug trade.

Yan din ang dahilan kaya hanggang ngayon ay nasa abroad ang isang dating local official na pinsan ng ating bida.

Kasama kasi ang pangalan nito sa narcolist ng Pangulo.

Sa paulit-ulit na pagdinig ng Senado sa GCTA ay iisa lamang ang laging litanya ni Sir at ito ang umano’y palpak na war on drugs ng gobyerno.

Nagdududa rin tuloy ang aking mga cricket na sinasadya ni Sir ang pag-divert sa war on drugs dahil malapit na ang showing ng “On President’s Orders”.

Ito ay isang film-docu na gawa ng mga multi-awarded na film maker sa US na ang tema ay ilabas ang sinasabing malawakang patayan sa ilalim ng “Oplan Tokhang” ng pamahalaan.

Naniniwala ang Malacanang na ito ay bahagi ng hakbang para sirain ang kredibilidad ng kampanya sa droga ng administrasyong Duterte.

Ang bida sa ating kwento ngayong araw ay si Mr. F…as in Frappe.

Read more...