May separation pay ba ang kasambahay? | Bandera

May separation pay ba ang kasambahay?

- July 26, 2013 - 12:47 PM

DEAR Atty.:

Magandang araw po Atty. Fe. I’m Jenny, 24 years old, from Bacolod City. Ako po ay isang service crew sa isang burger busines. Pero ako rin po ang cook, janitor at cashier.

Mag-isa lang po ako sa outlet, 12 hours po ang duty. Wala po akong basic salary, porsyento lang po ang salary ko na binabase lang sa total sales.

Kung na-assign po ang isang crew sa mabiling outlet maka-porsyento po ng aabot sa P600 hanggang P1000, pero pag na-assign po sa hindi mabili ay makaporsyento lang ng P150 hanggang P300. sa loob po iyan ng 12 hours.

Twenty four hours open 12 hours shifting. Kawawa po ang mga crew na na-aasign sa hindi mabiling lugar. Pwede po ba yung wala kaming night differential, walang overtime? Every five months nagre-renew po kami ng contract pero patuloy po ang duty namin sa iba namang outlet.

Ano po ang tawag sa amin? Contractual po ba o regular? May pinirmahan din po kaming contract na kapag mag-resign kami wala po kaming makukuha. One year and six months na po ako rito. Ano po dapat kong gawin? Please don’t publish my number. Salamat po. — Jenny, Bacolod City

Dear Jenny:
Mag-file ka ng demanda sa National Labor Relations Commission upang makakolekta ka ng minimum wage, night shift differential, holiday pay, overtime pay at iba pa.
Ikaw ay isang regular na empleyado. At hindi legal na base lang sa porsyento ng sales ang iyong take-home pay.
Wala namang bayad ang magreklamo sa National Labor Relations Commission. Kahit ikaw ay pumirma ng waiver na wala kang makukuha kung ikaw ay magre-resign, hindi ito ‘valid’ na usapan. Ito ay void ab initio at ipinagbabawal ng batas. At dahil ito ay bawal, kahit ikaw at pumirma ay hindi ito bibigyang-pansin. Ikaw ay makakakuha pa rin ng mga benepisyo kahit pumirma ka sa ganitong ilegal na usapan. — Atty.

Dear Atty.:
Magandang araw po. Ako po si Amy ng Palanan, Makati, 42 years old. Tanong ko lang, ang tulad ba namin na mga kasambahay ay may separation pay din? Thirteen years na ako rito sa pinagtatrabahuhan ko. Thanks po. Masugid kaming tagabasa ng Bandera, pati amo ko. Abangan ko po ang inyong kasagutan. — Amy, …2718

Dear Amy:
Ang separation pay ay ibinibigay sa isang empleyado na tinanggal sa trabaho, at ang “boss” ay ang may tanging kasalanan. Ibig sabihin, hindi binibigay ang separation pay sa mga empleyado na kusang nag-resign.
Sa aming pag-aaral ng Kasambahay Law, ang separation pay ay hindi “applicable” sa mga kasambahay. Ayon sa Implementing Rules ng Kasambahay Law, kung walang fixed term ang serbisyo at bigla kayong pinaalis/pinauwi ay kailangang magbayad ng iyong amo ng kalahating buwan na sweldo. Ngunit, wala pong separation pay na makokolekta. — Atty.

Editor: Meron ka bang problema na nais isangguni kay Atty. Fe? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374 o 09999858606 at baka kami ay makatulong sa inyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending