Kris: Hindi kami super close ni Noy pero mahal ko ang kuya ko

INAMIN ni Kris Aquino na hindi sila masyadong close ngayon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa katunayan, kontra ang pananaw nila sa isyu ng relocation ng rebulto ng kanilang amang bayani na si Ninoy Aquino. Tinanggal na kasi ang statue ni Ninoy sa corner ng Quezon at Timog Avenue para sa road clearing operations ng MMDA.
Ito’y para na rin sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Inaprubahan naman ng Aquino family ang pagtatanggal sa Ninoy statue matapos magpaalam sa kanila ang Quezon City government.

Dalawang option ang ibinigay nina QC Mayor Joy Belmonte kina Kris kung saan pwedeng ilipat ang rebulto – una sa Parks & Wildlife sa Quezon Avenue na gusto ni Noynoy at ang lugar malapit sa Trinoma at Vertis North ang gusto naman ni Kris.

At dahil dito, may ilang grupo na gumagamit sa issue para palalain ang gap ng magkapatid. Pero inunahan na sila ni Kris na nagsabing hindi magtatagumpay ang mga ito na wasakin sila ng dating pangulo. Hindi rin daw siya papayag na gawing teleserye ang kanilang pamilya.

Narito ang Instagram post ni Kris kaugnay ng nasabing issue, “Speaking of my dad, to clarify HINDI po naging issue sa family where our his statue would be relocated.

“Ate had messaged all of us after Mayor Joy Belmonte had communicated with her that MMDA had requested a change of venue. 2 options were given, Parks & Wildlife or the area near Trinoma/Vertis North where @iloveayalamalls is doing a lot of expansions.

“Hindi po issue na Noy chose DENR’s Parks & Wildlife and i wanted the mall development area… obvious naman na magkaiba talaga kami, and clear din na we practice freedom of choice in our family.

“My vote had gone to the area nearer malls because i had felt mas mataas ang ‘foot traffic’ and more of our youth would see my dad’s likeness on a regular basis and maybe have some curiosity about Ninoy Aquino & his contribution to Philippine democracy as we know it today.

“Hindi naman secret sa inyo, rebuilding our relationship as brother and sister remains a work in progress for us BUT hindi ibig sabihin na wala na kong pagmamahal at respeto sa ‘kuya’ ko na naging napakamahalagang bahagi ng magandang pagpapalaki ko kay kuya josh.

“So kung trip nyong gawing teleserye ang buhay pamilya namin, ma bo-bored lang kayo kasi walang matinding di pagkakaunawaan na nagaganap. Hindi ko rin kayo pa-plasticin at sasabihan na very close kami, we’re not- last time kaming nagkita was more than 4 months ago.

“But really? Location ng statue ng dad namin ang gustong gamitin na issue to widen our gap? Trust me we’ve had more disagreements of substance than that. It’s just that we respect our mom’s memory so much that whatever differences we may have, we choose to keep them private in the hope that TIME will help heal & resolve all of them. #familyfirst.”

 

Read more...