‘Shawarma gown’ ni Kim viral na, pinagtripan ng netizens

PARA sa madlang pipol si Kim Chiu ang kabogera queen sa ginanap na ABS-CBN Ball 2019! Viral ngayon ang edited photo ng aktres kung saan pinagtripan ng isang netizen ang kanyang gown.

Suot ni Kim ang creation ng fashion designer na si Benj Leguiab na isang beaded backless mermaid gown. In fairness, bongga naman ang OOTD that night ng dalaga pero hindi pa rin siya nakaligtas sa mga netizens na malilikot ang pag-iisip.

May mga nagsabing nagmukha siyang rocketship, bala ng bazooka, paper airplane, badminton shuttlecock, table napkins, table cloth, turumpo at marami pang iba.

Pero ang pinakabongga sa lahat ay ang viral Shawarma meme ni Kim kung saan nilagyan ng palaman na mala-shawarma ang ibabang bahagi ng kanyang gown. Trending agad ito at talagang nagpasabog ng good vibes sa socmed. I’m sure kahit si Kim ay natawa sa kanyang viral meme.

Read more...