Ricky Reyes: Ipakita natin kay Pangulong Duterte na dapat respetuhin ang bading | Bandera

Ricky Reyes: Ipakita natin kay Pangulong Duterte na dapat respetuhin ang bading

Julie Bonifacio - September 17, 2019 - 01:15 AM

RICKY REYES AT MGA ANAK

SUPER trending ang naging pahayag ng gay icon at negosyanteng si Ricky Reyes tungkol sa LGBTQ members. Pati si Presidente Rodrigo Duterte ay tila nag-react sa mga sinabi ni Mother Ricky.

Napangiti lang si Mother Ricky when we told him about this sa aming eksklusibong panayam sa kanya kamakailan.

“Nakakatuwa siguro kasi nag-change gear ang Presidente. Si Presidente naman ever since love niya ang mga bading. He told me that two years ago when we went to Davao for an event and Mayor Duterete was our guest of honor,” lahad ni Mother Ricky.

Pero ‘di porke love ni Pangulong Digong ang mga bakla, mag-o-overboard naman daw sila.

“Kailangan ipakita natin sa kanya na tayo ay worthy of his paghanga. At patunayan natin na tayo ay tutulong sa kanya. Dahil lahat ng problema sa Pilipinas, hindi naman kaya ng Presidente. Kailangan niya ang mga Pilipino na tumulong din.

“E, ang nga bading pa naman, malalambot ang puso, mababait. Sana ‘yung kalambutan ng puso natin, kabaitan natin, gamitin na lang natin sa pagtulong sa kapwa,” pahayag ng salon magnate.

Tinanong din namin siya kung pupunta siya sakaling ipatawag siya ng Senado para sa pagdinig ng controversial SOGIE bill.

“Ah, siguro, oo. Pero parang ano naman. Huwag na lang dahil, mapapahiya naman ang mga bakla dahil sasabihin ko naman ang totoo na bakla kami, ‘di ba? Na ang bakla ay bakla. That’s it. Wala nang mangyayari.

“Maski gilingin mo ‘yan, hamburger nga ang sabi ko, ‘di ba? Dahil ang bakla, ‘yan na ‘yan. Ang sabi ko nga imbes na kami ang maging problema, sana maging parte kami ng solusyon, ng ikagaganda ng buhay ng maraming tao,” paliwanag pa niya.

Ang Senado raw ang dapat magtrabaho para sa kapakanan ng nakararami at hindi lang sa kabaklaan.

“Pati ba naman pag-ihi ng bakla, dadalhin pa sa Senado? Hello! Ang daming Pilipinong nagugutom.

Maraming mga out-of-school youth. Maraming young mothers na walang pagkaing ibibigay sa kanilang anak. Nandiyan pa ang droga, ang korupsyon. Siguro ‘yun ang dapat nilang talakayin. Hindi ang pag-ihi ng bakla sa public toilet.

“Dyosko, napakaliit na bagay para paglaanan ng pondo ng mga Senador. ‘Yung gagastusin diyan, gastusin na lang natin sa mga taong matutulungan natin,” diin pa ni Mother Ricky.

He has nothing against LGBTQA+. Bakla rin daw kasi siya at numero unong bakla. At nagbebestida rin siya.

Katunayan, kinuha niya ang nakatago niyang larawan sa kanyang wallet at ipinakita sa amin ang kanyang larawan kung saan nakasuot siya ng spaghetti dress.

“Pero dumating ‘yung punto na tumigil ako sa pagbebestida dahil inisip ko naman ‘yung career ko, kailangan kong ayusin ang buhay ko dahil wala namang mag-aayos ng buhay ko kundi ako rin.

“Dahil natatakot ako, lagi kong sinasabi sa buong Pilipinas, sa lahat ng mga bading, na ang pinakakawawang tao sa mundo ay yung matatandang baklang walang pera. So, dapat bata pa lang magtrabaho na nang magtrabaho, mag-ipon para pagtanda natin may magagastos.

“Siyempre, gusto natin magandang buhay. Gusto natin maayos. You know, we can do what we want. We can buy what we want. ‘Yun lang naman ang gusto ko sa mga kabadingan. ‘Yung igalang kami ng tao. Ayokong para kaming public amusement ng mga tao.

“Gusto ko ng paggalang. Sabi nila ginagalang ako dahil mayaman ako. Yaman has nothing to do with that.

Siguro iginagalang ako…what I have done in my life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung napakaraming tulong ma nagawa sa tao. Simula noong 1984 hanggang ngayon, ‘yung mga livelihood. Ang pagtulong sa tao dapat hindi tumitigil. Tumulong lang tayo ng tunulong,” mahaba pang sabi ni Mother.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending