Paolo type makasama si Jed sa Panti Sisters 2: Maglaban kami!

PAOLO BALLESTEROS AT JED MADELA

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Jed Madela kapag nalaman niyang gusto siyang makasama ni Paolo Ballesteros sa pelikula lalo’t may part 2 na ang “The Panti Sisters”?

Isa kasi sa mga Panti sisters ay natsugi sa kuwento kaya tinanong namin si Paolo kung sino ang papalit dahil sa ending ng pelikula ay malalaman na may nawawala pang isang Panti sister.

Ang taklesang sagot ng aktor, “Oh, e, sana isama si Jed Madela para maglaban kami sa pakintaban ng damit!”

Pareho kasing makintab ang damit nina Paolo at Jed nu’ng 3rd PPP awards night.

Nairita ba si Paolo na may kapareho siyang damit, “Charing-charing lang. Kasi nauna siya, ‘no? Pagpasok ko ng venue, huh! May nauna pala sa akin sa pakintaban ng damit. Pero okay lang, may exposure rin naman ako! Ha-hahaha.”

Ito naman ang mensahe ng aktor kay Jed, “Next time. Ha-hahaha! Next time sabihan mo naman ako na mauuna ka pala (magsuot ng makintab) para mas dinagdagan ko pa, mas binonggahan ko pa. Akala ko bongga na ako, pagpasok ko, shocks! Kumakanta si Jed, naunahan na ako,” tumatawang sabi ng aktor.

“No, hindi siya mapipikon kasi kaibigan ko siya. Kumuha na siya ng painting sa akin kasi isa siyang art chororot (collector). Kaya nga ako naiinis, puwede naman niya akong i-message na, ‘makintab ang suot ko!’” sabay tawa uli ng aktor.

Samantala, kasalukuyan pa ring nangunguna sa takilya ang “The Panti Sisters” mula sa Blacksheep, IdeaFirst Company at Quantum Films.

Read more...