‘Anti-dengue’ OOTD ni Vice Ganda sa ABS-CBN Ball nilait: Next year hindi na ako pupunta

VICE GANDA AT ANNE CURTIS

“HINDI na ako a-attend next year!” Yan ang tili ni Vice Ganda matapos laitin ng netizens ang kanyang gown sa ginanap na ABS-CBN Ball 2019.

Isa ang TV host-comedian sa mga celebrities na naokray ang OOTD sa nasabing Kapamilya event, isama pa ang kaibigan niya at co-host sa Showtime na si Anne Curtis.

Sa nakaraang episode ng kanilang noontime show, nagsalita ang dalawa at sinagot ang mga bashers ng kanilang ABS-CBN Ball gowns.

Ayon sa TV host-comedian, marami siyang nabasang kanegahan sa social media at ilan sa netizens ay nagsabing mukha siyang “lumpia wrapper” at pwedeng ipanglaban sa dengue dahil nga sa kanyang “kulambo-inspired”.

Sey naman ni Anne, may nagsabing mukha siyang a-attend ng first communion sa kanyang lavender gown.

“Yung mga tao, kung ano-anong sinasabi sa mga damit namin. Yung damit ko daw, ang laki-laking pambalot ng lumpia. Anti-dengue outfit daw yung damit ko,” unang pahayag ni Vice.

“Kaya hindi na ako a-attend next year. Ino-okray lang yung mga damit… Ang bigat-bigat no’ng binibitbit kong gown tapos inokray-okray lang,” tawa pa nang tawang chika ni Vice.

Read more...