Michael De Mesa bidang-bida sa Marineros: First time po ito kaya nakakataba ng puso

MICHAEL DE MESA

Tuwang-tuwa naman at feeling blessed si Michael de Mesa dahil sa tagal na niya sa showbiz ay ito nga ang unang pagkakataon na magkakaroon siya ng solo top-billing sa “Marineros.”

“Siyempre flattered! Hindi ko naman in-expect na gagawin iyan para sa akin.

“May nagtanong nga kung ni-request ko daw iyan, actually hindi e, sila lang talaga e. Sobrang nakakataba ng puso talaga! Siguro arrived na ako, arrived na,” pahayag ng veteran actor s isang panayam.

Read more...