Joshua mas piniling magsolo sa ABS-CBN Ball: Wala akong niyayang ka-date | Bandera

Joshua mas piniling magsolo sa ABS-CBN Ball: Wala akong niyayang ka-date

|September 16,2019
facebook
share this

Joshua mas piniling magsolo sa ABS-CBN Ball: Wala akong niyayang ka-date

- September 16, 2019 - 12:15 AM

“ALONE but not lonely” naman ang drama ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa 2019 ABS-CBN Ball. Solo at walang ka-date nang dumating ang binata sa venue ng fundraising event.

Walang niyaya si Joshua para maging date niya sa Ball kaya ang mga fans nila ni Julia Barretto ay nganga sa pag-asang makikita sila together sa party. Hindi rin sila nakitang magkasama ng bago niyang ka-loveteam na si Janella Salvador.

Nang matanong kung ano ang feeling niya habang rumarampang mag-isa sa ABS-CBN Ball, “Okay naman, looking forward ako na mas mag-e-enjoy ako tonight.”

Bakit nga ba mas pinili niyang rumampa ng solo, “Wala akong inaya nga-yong ball na ‘to. Wala akong masabi. Basta happy ako na nandito ako ngayon na mag-isa.”

Sa panayam kay Joshua bago pumasok sa venue, tinanong siya kung mas masaya ba siya ngayon bilang single ito ang sagot ng binata, “Depende sa tao, pero ako, masarap pareho, e. Masarap na may minamahal ka, at masarap maging single.”

Nagpasalamat naman ang dating boyfriend ni Julia sa lahat ng taong patuloy sa nagmamahal sa kanya sa kabila ng mga pagkukulang niya.

“I love you all. Maraming salamat sa mga sumusuporta sa akin na hindi bumitaw at lagi akong chini-cheer,” masayang pahayag ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending