Lee Min Ki tutuklasin ang misteryo sa ‘The Lies Within’

NEXT month na rin hahataw ang bagong Korean series na The Lies Within starring Lee Min Ki at Lee Yoo Young.

Bibigyang-buhay ni Lee Min Ki ang karakter na ni Jo Tae Sik, isang magaling na detective pero mas pinili ang mapayapang buhay. Dahil dito, lumipat siya sa isang lugar na mababa ang population para makaiwas sa bilang ng mga kaso.

Na-assign naman sa kanya ang death case ng lawmaker na si Kim Seung Cheol na namatay dahil sa car accident ngunit kahina-hinala ang pagkamatay nito para kay Tae Sik dahil matapos mamatay nito ay nawala ang son-in-law niya.

Kasama rin ni Lee Min Ki ang actress na Lee Yoo Young. Gagampanan ng aktres ang character na si Kim Seo Hee, ang youngest daughter ng yumaong lawmaker.

Magtatagpo ang dalawa at sabay nilang malalaman ang sikreto tungkol sa katotohanan.

Matatandaang bumida ang actor na si Lee Min Ki sa mga seryeng Because This is My First Life (2017) at The Beauty Inside (2018). Napanood naman sa series na Your Honor (2018) at My Fellow Citizens (2019) si Lee Yoo Young. — Joshua Jazz Lapitan

Read more...