Kim Rae Won, Gong Hyo bibida sa ‘The Most Ordinary Romance’

KOREAN word of the week: “Hajima” – nangangahulugan ito sa Ingles ng “stop”. Sa atin naman ay “tigil” o “hinto.”

q q q

Ngayong Oktubre na ipalalabas ang movie ng Korean superstar na si Kim Rae Won at ng tinaguriang Queen of Romantic Comedies na si Gong Hyo Jin, ang “The Most Ordinary Romance.”

Romcom ang theme ng pelikula kung saan gaganap si Rae Won bilang si Jae Hoon, na sinaktan ng kanyang ex-girlfriend habang si Hyo Jin naman ay gaganap as Sun Young na niloko ng kanyang ex-dyowa.

Magkukrus ang kanilang landas habang nasa moving on stage at sa kanilang pagkakakilala hindi nila mapipigilang mahulog sa isa’t isa.

Nagbabalik tambalan ang dalawa after 16 years matapos magsama sa 2003 MBC drama na Snowman.

Sumikat si Rae Won sa hit romcom na Attic Cat (2003), My Little Bride (2004), Love Story in Harvard (2004), Gourment (2008), A Thousand Days’ Promise (2011), Punch (2014–2015) and Doctors (2016) at blockbuster film na “Gangnam Blues” (2015).

Kabilang naman sa hit K-series ni Hyo Jin ang Sang Doo! Let’s Go to School (2003), Thank You (2007), Pasta (2010), The Greatest Love (2011), Master’s Sun (2013), It’s Okay, That’s Love (2014), The Producers (2015), at Don’t Dare to Dream (2016). — Joshua Jazz Lapitan

Read more...