OFW na HIV positive papalo sa 7K


PINANGANGAMBAHANG lalagpas sa 7,000 ang bilang ng mga overseas Filipino worker na may HIV bago matapos ang taon.

Sa rekord, umabot sa 444 ang bagong kaso ng HIV sa mga OFW ang naitala mula Enero hanggang Mayo, tumaas ng 21 porsyento kumpara sa 369 naitala sa kaparehong panahon noong 2018.

“All told, the total number of OFWs found living with HIV has reached 6,699 since 1984, when the government first began passive surveillance of the virus,” ani ACTS-OFW chairman Aniceto Bertiz III.

Kung hindi magbabago ang pagtaas ng bilang na ito ay maaa-ring 7,200 na ang mga OFW na nahawa ng HIV sa katapusan ng 2019.

Marami sa mga nahawang OFW ay taga-Metro Manila (2,157 kaso), Calabarzon (1,162 kaso) at Central Luzon (790 kaso).

Pinakamarami sa mga nahawa ay lalaki (5,792) na ang median age ay 32. Ang 907 babae na nahawa ay may median age na 34.

Sa mga lalaking OFW, 72 porsyento ang may sexual contact sa kapwa lalaki (2,456 male-male sex) at 1,741 ang nakikipagtalik sa lalaki at babae.

Sampung porsyento ng 67,395 kaso ng HIV na nakatala sa National HIV/AIDS Registry ang OFW.

Read more...