KAKASUHAN ng lokal na pamahalaan ng Marikina City ang mga responsable sa pagtatapon ng 56 na patay na baboy sa Marikina River na paglabag sa Clean Water Act at Code on Sanitation.
Sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na seryoso ang gobyerno sa paghahain ng kasong kriminal at civil case laban sa mga sangkot.
Noong Biyernes, hiniling ni Teodoro sa Bureau of Animal Industry (BAI) na suriin ang isa sa mga baboy kung magpopositibo sa African swine flu.
Hinihintay pa ng lungsod ang resulta ng pagsusuri mula sa BAI.
Kasabay nito, pinasuri rin ng lokal na pamahalaan ang tubig mula sa Marikina River dahil sa posibleng kontaminasyon.
Sinabi ni Teodoro na posibleng galing ang mga patay na baboy mula sa Montalban, Rizal.
MOST READ
LATEST STORIES