Away sa negosyo tinitingnan motibo sa paghahagis ng granada sa resto sa Maynila

AWAY sa negosyo ang tinitingnang anggulo ng mga pulis matapos hagisan ng granada ang isang restaurant sa Maynila, Sabado ng hapon.

Base sa ulat mula sa Santa Mesa Police Station, naghagis ang hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng isang motorsiklo sa pintuan ng C-Foods Restaurant sa kantao ng 5th st. at C. Aguila st. sa San Miguel District ganap na alas- 3:30 ng hapon.

Isang Macario Tinio, 59 ang may-ari ng restaurant.

Idinagdag ng pulisya na bago ang pag-atake, nakatanggap ng mga text si Tinio, na nagbabanta.

Malakas ang kanyang restaurant dahil sa murang presyo.

Read more...