Gil Cuerva game makipagsabayan kina Marco at Tony sa hubaran

GIL CUERVA

Malapit nang magpagupit ng buhok ang Kapuso artist na si Gil Cuerva na napapanood ngayon sa Kapuso action-drama series na Beautiful Justice.

Ayon kay Gil nang makausap namin recently, ngayon lang uli siya nakagawa ng regular series after ng debut series niyang My Love From The Star (MLFTS) sa GMA 7.

Eh, kung may pagkukulang sa acting niya sa unang show, gusto niyang pagbutihin pa ito ngayon. Pero bukod sa pag-arte, gusto rin niyang magsulat sa film.

Sa MLFTS, nagmarka ang shower scene niya dahil ipinasilip niya roon ang kanyang pinkish nipples. Talagang pinaligaya niya ang mga beki niyang fans nang umere ang nasabing episode.

Kaya tinanong namin siya kung puwede ba siyang gumawa ng movie gaya ng ginagawa nina Tony Labrusca at Marco Gumabao na parehong palaban sa paghuhubad.

“Gusto kong makagawa ng movie. Sexy or not ang role, okay ako diyan!” tugon ni Gil.

Pwedeng-pwede namang makipagsabayan si Gil kina Marco at Tony dahil meron din naman siyang ipakikitang magandang katawan. Pero dapat mas kontrobersyal ang material ang gawin niya para pag-usapan din ng publiko.

q q q

Naku, mami-miss ng mga manonood ngayong gabi ang baliw na tambalan nina Boobay at Super Tekla na The Boobay And Tekla Show dahil isasalang ang GMA ang live telecast ng Miss World 2019!

Sa nasabing pageant, kasali ang tatlong Kapuso artists – sina Michelle Dee, Kelly Day at Isabella de Leon. Makakuha nga kaya ng titulo at korona ang tatlong dalaga sa coronation night? Yan ang dapat nating tutukan tonight.

Pero ang maganda namang balita tungkol kay Super Tekla, malapit nang ipalabas na ang kanyang launching movie na “Kiko En Lala” under GMA Films.

Makakasama niya rito sina Kim Domingo, Derrick Monasterio at Ai Ai delas Alas at showing na sa Sept.
25 nationwide!

Read more...