Nanguna sa unang araw ng 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino ang “The Panti Sisters” nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario last Friday.
Kung totoo ang nakarating sa aming balita, kumita ang entry ng IdeaFirst at Black Sheep sa 3rd PPP ng more than P12 million sa first day nito. Pumangalawa sa ranking ang “Open” nina Arci Muñoz ay JC Santos na sinundan naman ng “Cuddle Weather” nina Sue Ramirez at RK Bagatsing.
Pero siyempre, posible pang magbago yan sa mga susunod na araw kapag gumana na ang magic at powers ng “word of mouth” sa 10 entry.
MOST READ
LATEST STORIES