Sex scene nina Kim Molina at Jerald Napoles sa ‘Jowable’ patok sa madlang pipol

TRAILER pa lang ng pelikulang “Jowable” na pinagbibidahan ng singer-actress na si Kim Molina ay talagang pinag-usapan na ng madlang pipol.

Grabe ang impact nito lalo na sa mga netizens dahil na rin sa tema at mga dialogue na ginamit sa movie. In fact, ginagaya na nga ng mga beki at ng mga babaeng bakla ang mga pinagsasabi ni Kim sa ilang eksena.

Sa nakaraang presscon ng “Jowable” under Viva Films, natutuwa si Kim at ang iba pang members ng cast dahil sa mga natatanggap nilang comments simula nang lumabas ang trailer ng movie.

Marami ang nagsabing atat na silang mapanood ang movie dahil sa teaser pa lang ay tawa na sila nang tawa, lalo na raw sa isang sex scene ni Kim at ng boyfriend niyang si Jerald Napoles. Dahil kasi sa ingay ng karakter ni Kim habang nagse-sex sila ay nasampal niya ito.

Sex-comedy ang kuwento ng “Jowable” kaya pumayag sina Kim at Jerald na gawin ang nasabing eksena. Pero inamin nila na sobrang awkward ng feeling habang kinukunan sila ni Direk Daryll Yap.

“Kasi, para kaming umarkila ng mga tao para manonood sa amin habang magkapatong sa kama. Tapos, habang hinahalik-halikan mo, biglang may ‘o, ibang anggulo.’ So, mas awkward pala siya,” pahayag ni Jerald.

Showing na sa Sept. 25 ang “Jowable” nationwide kung saan makakasama rin sina Chad Kinis, Cai Cortez, Candy Pangilinan at marami pang iba.

Samantala, five years na palang magdyowa sina Kim at Jerald Napoles pero kailan lang nila ito inamin sa madlang pipol. Nagsimula ang love stoey nila stage musicale na “Rak of Aegis.”

“Nu’ng unang beses ko po siyang makita, kaka-break ko lang po sa boyfriend ko nu’n. Kumbaga, a few months after ng break-up sa boyfriend ko. Ayokong maghanap ng dyowa,” kuwento ni Kim tungkol sa pagsisimula ng relasyon nila ng Kapuso comedian.

Super crush na raw niya that time si Jerald, nagustuhan niya ang mala-bad boy na aura nito. At habang ginagawa raw nila ang “Rak of Aegis” ay sila ang laging tinutukso hanggang sa tawagin na silang “Kimerald” dahil kapangalan nga nila sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

“Kimerald kami sa ‘Rak of Aegis’ tapos kinikilig sa amin ang mga tao. Eh ‘di sinakyan namin. Hanggang sa nagkatotoo, landi-landi, ganu’n,” chika pa ni Kim.

Inamin din ni Jerald na kahihiwalay lang din nila that time ng kanyang ex-girlfriend kaya feeling niya destiny ang pagtatagpo nila ni Kim.

“Alam mo ‘yung sinasakyan mo lang muna kung ano ‘yung mangyayari, ganyan-ganyan. Tapos, nagkahulihan kami ng toyo sa ulo. We started becoming not just as partners pero as best friends,” lahad ni Jerald.

Wala pa ba silang balak magpakasal? “Ngayon po kasi, kaming dalawa ni Je, parang we’re just being supportive of each other,” tugon ni Kim.

Tawanan naman ang lahat ng nasa presscon ng “Jowable” nang matanong ang members ng cast kung nagba-batibot (nagpapaligaya ng sarili) tulad ng tanong ng karakter ni Kim kay Candy Pangilinan na gumaganap na madre sa movie.

Parehong umamin sina Jerald at Direk Daryll, hirit pa nga ng dyowa ni kim, “Opo, madalas!”

Read more...