Aiko sunud-sunod ang swerte; dream house itatayo na | Bandera

Aiko sunud-sunod ang swerte; dream house itatayo na

Reggee Bonoan - September 15, 2019 - 12:06 AM

Isa si Aiko Melendez sa hurado sa gaganaping Miss World Philipines ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Humingi kami ng kumpletong listahan ng mga hurado sa ALV Productions pero hindi pa kami binabalikan. Ang pagkakaalam namin, kasama rin sa judges si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Tinanong namin si Aiko tungkol dito at tuwang-tuwa siya dahil sa tagal na niya sa showbiz ay ngayon lang niya mararanasang maging hurado sa beauty contest.

“Oo, teh, Regs, ang saya ko kasi first time kong maging judge. Imagine sa tagal ko na sa showbiz ngayon lang ako naimbitahan. Sa bagong manager ko, si kuya Arnold (Vegafria, ng ALV).

“Nakakatuwa kasi nu’ng nag-meeting nga kami ni kuya Arnold, ang dami niyang inilatag at isa na nga itong maging hurado ako. Ang dami pa, hindi pa lang puwedeng banggitin,” say ni Aiko.

Oo nga, maingay ngayon ang pangalan ng aktres dahil bukod sa maganda ang resulta ng teleserye nilang Prima Donnas sa GMA. Hindi man nila matalo ang katapat na Kadenang Ginto ay masasabing close-fight ang laban.

At dahil din sa magandang pasok ng blessings ngayon kay Aiko ay nakabili na siya ng lupa para sa pagtatayuan ng dream house nilang mag-iina.

Bukod sa tapings ay may isa pang pinagkakaabalahan ang aktres, ang kanyang vlog na may titulong “Aikonfess” na mayroon ng 5.8K subscribers. Naka-70K views na ang bonding nilang magkakaibigan na sina Gelli de Belen, Candy Pangilinan at Carmina Villaroel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending