Sarah, Matteo 6 years nang magdyowa, magpapakaligaya uli sa Bali, Indonesia

SPOTTED ng netizens ang lovers na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Terminal 2 ng NAIA nitong nakaraang araw.

Bakasyon ang pakay nina Sarah at Matteo sa pag-alis ng Pilipinas bilang part na rin daw ng selebrasyon para sa kanilang 6th anniversary as a couple, ayon sa reports.  Sabi ng ilang fans, sa Bali, Indonesia raw ang kanilang selebrasyon.

Ang balita namin, tapos na rin ang shooting ng Pop Star para sa movie niyang “Unforgettable” under Viva Films kaya maluwag na ang oras niya. 

Time out naman muna si Matt sa training na ginagawa na ayon sa balita ay bahagi ng kanyang preparasyon para sa remake ng “Pedro Penduko.”

Sa isang litrato ay makikitang parehong nasuot ng black shirt ang magkarelasyon habang nakikipag-usap sa airport personnel para sa kanilang check-in baggage.

Sa mga nakita naming photo, solo lang si Sarah G na bumiyahe at malamang hindi niya kasama either ang nanay o ang tatay niya.

Pero sa pagkakaalam namin, hindi ito ang unang beses na bumiyahe si Sarah with Matteo nang walang kasamang chaperone.

Read more...