Dingdong proud na proud sa interview ni Marian sa CNN

DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA

Hindi itinago ni Dingdong Dantes ang paghanga sa asawang si Marian Rivera nang mag-guest ang asawa sa show ni Angel Jacob sa CNN Philippines.

Bahagi ng caption ni Dong sa Instagram, “This has got to be the best interview she’s ever had. It was such a pleasure to hear how my wife has grown into courageous  and passionate woman she is today.”

“Catch her conversation with @angelpjacob about show business, her passion for flowers, motherhood and her take on women empowerment.” 

Winner kasi ang mga sagot ni YanYan sa mga topic tungkol sa passion for flowers, motherhood and woman empowerment. Nang mapanood ni Dong ang interview, nagpasalamat siya kay Angel at saad niya, “I was smiling from start to finish. Hahaha!”

q q q

Nilektyuran ni KC Concepcion ang isang basher kung paano respetuhin ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Ito’y matapos siyang sabihan na mukhang beki sa kanyang Instagram post.

Ayon sa kanyang IG follower na si @sarapmagbiyaheofficial, nagmumukha na raw siyang bading sa kanyang makapal na make-up.

Narito ang resbak sa kanya ni KC, “Mahalin po natin ang mga Becky. Ilan sa pinaka mapagmahal at matalik kong kaibigan ay ‘bading.’ Wag po natin silang gamitin sa negatibong pananaw.”

Isa lang si KC sa mga celebrities na sumusuporta sa LGBTQ, nandiyan din sina Heart Evangelista at Anne Curtis na pabor na pabor sa pagsasabatas ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill.

Read more...