Kylie dinuraan si Maxine sa taping; naging totohanan snt fight scene

NATANONG si Jonas Gaffud sa naging issue between beauty queens Kylie Versoza and Maxine Medina after kumalat ang chikang dinuraan ng una ang huli sa isang eksena nila sa Los Bastardos.

Sa chikahan with the press during the album launch ng mga alaga niyang sina Yuki Sakamoto at Yheen Valero ay sinabi ni Jonas na okay na ang dalawa.

“Feeling ko magiging okay naman kasi nakita ko mga messages nila,” say ni Jonas who said na mas malala pa ang fight scenes ng dalawa sa teleserye.

“Feeling ko naman kasi meron silang fight scenes noong una na sabunutan. Ganu’n talaga. Parang nag-uusap naman,” say ng beauty queen maker.

So, ayos na talaga ang dalawa? “I think so. Ngayon, magkasama sila. Nag-apologize in a way na hindi naman dahil sa eksena. ‘Uy, sorry kung nagkasakitan.’ ‘Ay, sorry din po.’ Alam ko right after (nag-apologize). Nagkasakitan sila noon, siyempre totoong sakitan ‘yun. Hindi puwedeng i-fake ‘yun.”

When asked if he knows na in-unfollow na nila ang isa’t isa sa social media, surprised si Jonas. “Ha? Talaga? Hindi ko pa alam.”

Nakikialam ba siya sa away ng alaga niyang si Maxine? “Sinabihan ko lang na walang mag-aaway. Siyempre, eksena lang ‘yun,” say ni Jonas.

q q q

Read more...