For Joel Cruz, lucky charms sa kanya sina Erich Gonzales at Jason Abalos dahil ito ang kanyang unang endorsers for Aficonado Germany Perfumes.
“Number one is Erich Gonzales and Jason Abalos. ‘Yung kay Erich, citrus siya. ‘Yung kay Jason, sporty ang scent niya,” say ni Joel sa amin.
Bakit sila ang lucky charms? “Siguro may factor ‘yung pagbenta ng perfumes nila. We have to consider that. Kailangan ang produkto mo ay bumebenta. Second is the rapport. We have good relationship with Erich and Jason and their managers. They’re not so much demanding. Parang friendly price pa rin sila.”
“Somehow, yeah, they’re lucky charms. Pero, to give justice naman sa ibang endorsers, it just so happened na talagang tumatak sila. The other endorsers talagang ay nakatulong din like Vice Ganda kasi very powerful siya. Sinasabi niya sa It’s Showtime na mayroon akong perfume sa amin,” he added.
Next year ay 20 years na ang kanyang perfume business, “I am very happy, definitely. Modesty aside, when I started it sinabi ko talaga na tatagal. We will have a big celebration next year. May mga pakontes kami, blog, story na parang commercial. We’re giving away one million peso next year.
“Parang ito ang preparation namin for next year. Gusto namin ng matagal na preparation. In fact may mga materials na kaming ginagwa like mga t-shirts, umbrellas, stickers para malaman ng taumbayan na 20 years na kami,” dagdag niya.
To whom does he attribute their success? “First of all sa mga employees kasi ako lagi ang tumatanggap ng awards, representative ng company sa Philippines and worldwide kung may awards kami. Lagi kong sinasabi na I have t share this with all people behind Aficionado.
“Lahat ng department ng company – sa warehouse, production, marketing, purchasing. Naniniwala ako na hindi ko naman ito kayang laha na mag-isa, talagang teamwork ito ng lahat,” sabi pa ni Joel Cruz.