Baron: Hindi ko nalilimutan ang mga payo sa akin ni Coco

NOT necessarily fresh from his last primetime teleserye ay ang pagbabalik ni Romnick Sarmenta reportedly replacing Baron Geisler on ABS-CBN’s Ang Probinsyano.

Pasensiya na, we had to ask a couple of neighbors around kung ano na ang itinatakbo ng kuwento sa walang-kamatayang palabas kung saan wala ring kamatayan ang bida.

According to reports, Baron’s disappearance sa Probinsyano ay hindi sanhi ng kanyang pagkagupo with Cardo Dalisay (Coco Martin) proclaiming his ultimate victory in a hard-fought battle, kundi ang muling pagbabalik niya sa rehab.

Boluntaryo raw na isinumite ni Baron ang kanyang sarili like turning his vile character in sa mga kamay ng awtoridad for punishment. Balik-rehab raw siya which means he has yet to recover totally from alcoholism.

But in an interview, Baron denied the report. “No. No. That’s not true. I love my job. I love Probinsyano. I’m so grateful sa Dreamscape, kay Sir Deo Endrinal, sa bumubuo ng Dreamscape.

“Kay Mr. Coco Martin, ang laki ng pasasalamat ko pa rin. At nariyan pa rin. Nilikha nila iyong ‘Bungo’ for me. So, praise God! Thank you Lord! For that.

“And tuluy-tuloy pa rin iyong kuwento. At saka kung makikita n’yo naman po sa social media ko, I’m very productive,” ang paliwanag ni Baron sa nasabing panayam.

Ipinagdiinan din niya na nakatatak pa rin sa utak niya ang mga ipinapayo ni Coco sa kanya at ang pangako nitong tutulungan siya basta tulungan din niya ang sarili.

“Hindi lang naman si Coco ang nagpapayo sa akin niyan, e. Everybody naman, sa support group ko. And kahit naman sa sarili ko, di ba?

“Hindi na kailangan din, kumbaga, talagang reminder lang. Kasi, may sarili naman tayong pag-iisip. Nagbabasa rin ako ng Bibliya at maraming wisdom ang nakukuha roon.

“So, now, I just put on full armor of God, and I’m ready for anything,” ang sabi pa ng aktor sa nasabing TV interview. 

Read more...