Pamilya nina Zoren at Carmina tuloy ang pagluluksa 

A timeless replay of today’s episode of Sarap ‘Di Ba? would be understandable. May ipinagluluksa kasi ang main host nitong si Carmina Villaroel.

Ang kanyang father-in-law at batikang aktor na si Lito Legaspi ay sumakabilang-buhay kamakailan. He was 77.

Si Lito ay ang ama ni Zoren, kabiyak ni Carmina by whom isinilang ang kambal na sina Mavy at Cassy na bahagi rin ng nasabing GMA program. He’s also survived by Zoren’s brothers Kier and Brandon.

Pero may kasabihan nga sa showbiz that no matter what, the show must go on. Tuloy pa rin ang nakasanayang kasiyahan, tsikahan, pagluluto at gimik on Sarap ‘Di Ba? owing its to loyal audience na mula’t sapul ay nakatutok na sa programa even before Carmina took the helm.

Espesyal ang episode ngayon ng SDB bagama’t may bahid-kalungkutan ito. Mourning as the mood may be, simbolo rin ito ng morning of hope na bagama’t may nalagas sa pamilya Legaspi, the late actor’s legacy is something to reckon with.

Sa ngalan ni Carmina, her entire SDB family at pamunuan ng GMA ay ipinaaabot nila ang kanilang pakikidalamhati.  

Read more...