K Brosas pinagmumura, binantaan ng netizens dahil sa TNT Resbak; Vice Ganda umaming na-shock

September 12,2019
share this

K Brosas pinagmumura, binantaan ng netizens dahil sa TNT Resbak; Vice Ganda umaming na-shock

September 12,2019
share this

PINAGMUMURA at pinagbantaan pa ng ilang netizens si K Brosas matapos matanggal ang contestant na si Mariane Osabel ng Mindanao sa Tawag ng Tanghalan Ultimate Resbak sa Showtime kahapon.

Dahil dito, naging isa sa top trending topic ang pangalan ni Mariane sa Twitter Philippines. Tinalo siya ni Mariko Ledesma mula naman sa Luzon.

Maraming nag-post ng kanilang pagkadismaya sa naging resulta ng contest kasabay ng pamba-bash sa mga hurado na kinabibilangan nina Louie Ocampo (punong hurado), Karylle, Dulce, Jaya at K Brosas. Unfair daw ang pagbibigay nila mas mababang grade kay Mariane.

Ang transgender na si Mariko ay nakakuha ng combined text votes at judges’ score na 83.7% habang si Mariane ay binigyan ng 66.50%. Ang 16.50% score ni Mariane mula sa mga hurado ang inalmahan ng netizens.

Nang mabasa ni K Brosas ang mga pinagsasabi ng bashers, agad siyang nag-post sa Twitter ng kanyang saloobin tungkol sa reklamo nila sa pagbibigay nila ng score sa mga resbakers.

“Daming hanas pag mataas ang TXT VOTES.. chika pa kayo na dapat mas mataas percent ng hurados scores,” simulang resbak ng singer-comedienne.

Dugtong pa niya, “PERO hanas pa din pag Natalo dahil mas mataas ang hurados scores kesa txt votes? Eh ganon po talaga.. At tandaan madaming sikat ngayon na Di naman nag grand winner. Peace! (smile and peace emojis).”

Sinabi pa ni K na kahit minumura at pinagbabantaan na ang buhay niya ng mga haters, wala na raw silang magagawa dahil may nanalo na.

“Kahit ano pa pong mura nyo SA akin, bash na wala na SA issue, At May pagbabanta pa SA buhay ko, kahit ano pang sabihin nyo, wala na tayong lahat magagawa.. ako work na lang uli tom na walang galit SA dibdib.. kaya kung masaya kayo SA ginagawa nyo At galit, gusto nyo yan eh (peace and smile emojis).”

Isa namang netizen ang nag-comment ng, “Bobo mong judge TODAY, yes TODAY!”

Ito naman ang sagot sa kanya ni K Brosas, “Ok last na po to.. uhm.. ako lang po ba ang hurado? No nakita nyo po ba ang score ko? No. pinapakita ba ang individual scores ever since? No. tama bang sabihan mo ako NG Bobo Kong judge after 3 seasons? No. o wait opinion mo pala yan kaya ok Lang po. I respect ur opinion.”

Samantala, nakatanggap din ng mga mensahe sa Twitter ang Showtime host na si Vice Ganda tungkol sa issue.

“Ok for the TnT fans tweeting me. I talked to the staff and told them that the viewers’ sentiments have to be acknowledged. So i asked if we can hear a word from Sir Louie since sya lng ang judge kahapon na present kanina.

“I was told na the Hurados will talk and will come up with a statement after. They’re aware na madaming disappointed. I myself was shocked. And i would love to hear and respect what they would have to say. So lets just wait. Love u guys!” ang pahayag ni Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending